Apolinario Mabini ang kanyang pangalan
lumaki at tumira sa Talaga, Tanauan
dakilang lumpo ang bansag sa kanya,
lumaking makisig at sadyang matapang
Ating bansa'y kanyang tinulungan
upang makalaya sa kalupitan ng dayuhan
mga Pilipino'y sadyang mahal siya
pati Tanaueno'y ipinagdiriwang siya
Dugong Pilipino'y dumadaloy sa kanya
Pintig ng kanyang puso'y sa Pilipinas nakataya
Isa siya sa mga taong gustong mapalaya
ang kanyang bayan na sadyang mahalaga
Pagmamahal sa bayan ang kanyang puhunan
upang paghugutan ng lakas at katapangan
mapagmamalaking tunay, sagisag ng kabayanihan
Si pule sa panahon ko'y bantayog ng kabataan
Si Apolinario Mabini'y dapat gayahin
ng bawat kabataan na nasa daigdig
gawing inspirasyon at magandang impluwensya
sa bawat Pilipino'y bayani siya.